Halos lahat ng bayan at lungsod sa Laguna mayroon nang isolation facility
Nakapagtayo na ng isolation facilities ang halos lahat ng bayan at lungsod sa Laguna.
Ayon kay Laguna Gov. Ramil Hernandez, sa kabuuan ay 1,133 katao ang kapasidad ng 76 na mga pasilidad sa probinsya.
Ang pag-quarantine sa mga COVID-positive, maging sa mga probable at suspected cases, ay isa sa mga mahalagang paraan upang masiguro na hindi na maikakalat o makakahawa pa ang virus.
Ngayong marami na aniya ang bilang ng mga Isolation Facility sa Laguna, mas magiging madali na ang pag-isolate sa mga pasyente at ang mga pamilya nila mula sa mga barangay.
Makakatulong din ang mga pasilidad upang mas mapadali ang contact tracing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.