Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 211

By Mary Rose Cabrales May 21, 2020 - 05:25 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10:00PM, Miyerkules, May 20), nasa 211 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 4 ang bagong bilang ng nadagdag habang ang bilang ng mga active cases ay 157.

Nanatili naman ang COVID-19 related deaths sa lalawigan sa 65.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 433.

Samantala, nasa 39 ang bilang ng probable habang nasa 756 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

 

TAGS: covid cases, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.