Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,306

By Mary Rose Cabrales May 21, 2020 - 05:16 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkule (May 20, 3:00 PM) pumalo na sa 1,306 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 22 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 286
Laguna – 389
Batangas – 151
Rizal – 399
Quezon – 81

Nasa 635 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 16 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 98
Laguna – 263
Batangas – 80
Rizal – 140
Quezon – 54

Nadagdagan ng 1 ang nasawi kaya’t 145 na ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 27
Laguna – 34
Batangas – 20
Rizal – 56
Quezon – 8

 

 

TAGS: calabarzon, covid cases, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, calabarzon, covid cases, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.