31 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Maynila

By Angellic Jordan May 20, 2020 - 10:39 PM

Karagdagang 31 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (May 20), umakyat na sa 1,118 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 855 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 case sa Tondo 1 na may 254 cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 135 na kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, 1,065 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,221 ang suspected cases.

Umakyat naman sa 172 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila at nanatili sa 91 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

TAGS: COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 survivors in Manila, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 survivors in Manila, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.