Health workers na gumaling sa COVID-19, sumampa na sa higit 1,000
Iniulat ng Department of Health (DOH) na tumataas na ang bilang ng healthcare workers na gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umakyat na sa 1,018 ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit hanggang May 19.
Nanatili naman aniya sa 2,315 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 1,264 ang aktibong kaso kung saan 336 ang asymptomatic, 923 ang mild, apat ang may severe condition at isa ang kritikal.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 671
– Nurse – 842
– Nursing Assistant – 144
– Medical Technologist – 84
– Radiologic Technologist – 42
Nasa 285 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Sinabi ni Vergeire na paunti na nang paunti ang bilang ng napapaulat na health workers na tinatamaan ng COVID-19.
Ayon pa kay Vergeire, nanatili rin sa 33 ang mga pumanaw bunsod ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.