Nasa 205 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:25, Miyerkules ng hapon (May 20), sa nasabing bilang ay 51 ang aktibong kaso.
Pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Ayala Alabang na may 32 cases.
Narito ang kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod ng barangay:
– Tunasan – 20
– Poblacion – 29
– Putatan – 31
– Buli – 4
– Bayanan – 14
– Alabang – 21
– Cupang – 27
– Sucat – 27
182 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 22 ang suspected cases.
Samantala, 124 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 30 ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.