Stationary front, Easterlies umiiral sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA
Inihayag ng PAGASA na dalawang weather system ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na umiiral ang stationary front sa extreme Northern Luzon.
Dahil dito, makararanas aniya ang Batanes at Babuyan Group of Islands ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.
Samantala, easterlies naman ang nakakaapekto sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ani Aurelio, magiging maaliwalas ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa na may bahagyang maulap ang papawirin.
Maaari aniyang makaranas din ng isolated rainshowers dulot ng thunderstorm.
Dagdag pa nito, walang namo-monitor na sama ng panahon o bagyo sa labas at loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.