24 pang Filipino sa abroad ang tinamaan ng COVID-19 – DFA

By Angellic Jordan May 20, 2020 - 04:28 PM

Nasa 24 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 20, 2,455 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,313 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nadagdagan naman ng siyam ang bilang ng gumaling kung kaya 858 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, 284 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 matapos madagdagan ng apat pa.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 748 na kaso.

Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 712 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 544 naman ang kaso sa Americas at 451 sa Asia Pacific Region.

TAGS: breaking news, COVID-19 update, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19 cases, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 update, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19 cases, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.