BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 13,221
Sumampa na sa mahigit 13,000 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (May 20), umakyat na sa 13,221 ang nagpositibo sa nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 9,447 rito ang aktibong kaso.
Sinabii ng DOH na 279 ang bagong napaulat na kaso sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Sa 279 bagong kaso, 150 o 54 porsyento ay napaulat sa National Capital Region; 14 o limang porsyento sa Region 7; at 115 o 41 porsyento sa iba pang lugar.
Nasa limang pasyente ang bagong nasawi kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 842 na.
Ayon pa sa DOH, 89 pasyente naman ang bagong gumaling sa COVID-19 pandemic.
Bunsod nito, nasa 2,932 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.