Pilipinas, nasa second wave na ng COVID-19 – Duque
Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa second wave na ng COVID-19 ang Pilipinas.
Sa pagdinig ng Senado, nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na itinuturing na first wave ang pag-uumpisa ng COVID-19 sa bansa.
Batay aniya sa mga epidemiologist, nangyari ang first wave ng nakakahawang sakit noong Enero kung kailan naitala ang unang tatlong COVID-19 cases sa Chinese nationals mula Wuhan City.
Tiniyak naman ng kalihim na kumikilos ang kagawaran para ma-flatten ang curve ng COVID-19 sa Pilipinas.
Layon din aniya nitong magkaroon ng sapat na panahon ang gobyerno upang mapaunlad ang kapasidad ng health system sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.