BI, naghahanda sa pagpapatupad ng digitized arrival cards para sa pagtutok sa mga pasahero

By Angellic Jordan May 20, 2020 - 03:07 PM

Naghahanda ang Bureau of Immigration (BI) sa implementasyon ng digitized arrival cards at records para mas mahigpit na pagtutok sa mga pasahero.

Ito ay kasunod ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Inanunsiyo ito ni BI Commissioner Jaime Morente matapos ipagbigay-alam ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na maglulunsad ang ahensya ng advanced passenger processing at information system.

Bahagi nito ang paggamit ng digitized arrival cards at boarding passes para sa international passengers na papasok at lalabas ng mga port ng bansa.

“These new paperless travel control systems and procedures are just among several innovative protocols that we will be introducing under a new normal environment during this pandemic,” pahayag ni Morente.

Ayon pa sa hepe ng BI, layon din ng bagong protocols na masunod ang social distancing para maiwasan ang person-to-person contact sa pagitan ng officers at mga pasahero.

Maliban dito, magagamit ang nasabing sistema para pangasiwaan ang contact tracing kung kakailanganin.

“While the Bureau of Quarantine (BOQ) collects information from arriving passengers for contact tracing, we have extended our help by providing other details that are found in our arrival cards,” ani Morente.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang BI sa mga airline company para sa magiging sistema at proseso sa nasabing inisyatiba.

“This is one of our administration’s priority projects, as this would not only help in contact tracing, but would also allow our port operations to more effectively monitor and screen arriving foreign nationals,” dagdag pa nito.

Nai-develop na aniya ang nasabing sistema sa ibang bansa at maaari aniyang ma-adopt ito ng Pilipinas laban sa COVID-19.

TAGS: advanced passenger processing, BI, BI Commissioner Jaime Morente, digitized arrival cards, information system, Inquirer News, Radyo Inquirer news, advanced passenger processing, BI, BI Commissioner Jaime Morente, digitized arrival cards, information system, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.