Ang nasabing transport app ay nag-ooperate na ngayon sa iba’t-ibang parte ng National Capital Region (NCR).
Sa pagsisiyasat ng LTFRB ang app nagbibigay ng serbisyo sa paghahatid sa mga pasahero at sa mga gustong magpa-deliver ng mga pangangailangan.
Base sa Memorandum Circular (MC) No. 2020-018 ng ahensya, maaari lang mag-operate ang isang TNVS kung meron itong valid Certificate of Public Convenience (CPC) at Provisional Authority (PA) sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
Habang kailangan pa ng direktiba mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para payagang bumiyahe ang TNVS na mag-o-operate sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ.
Hiniling ng LTFRB sa publiko na huwag tangkilikin ang naturang transport app.