Pagtalakay sa prangkisa ng ABS-CBN sisimulan ng Kamara sa susunod na linggo

Sisimulan na ng Kamara sa susunod na linggo ang pagtalakay sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, kahit umabot pa sa recess ay magpapatuloy ang deliberasyon ng House committee on legislative franchises.

Ito ay para maipakita aniyang hindi tutulugan ng Kamara ang proseso.

Ayon kay Cayetano maaring magkaroon ng dalawa hanggang sa tatlong pagdinig kada linggo.

Required na personal na dumalo sa pagdinig ang mga testigo at resource persons pero tiniyak ng house speaker na magpapatupad ng social distancing at health protocols.

Kabilang sa mga isyung tatalakayin ay ang paglabag umano ng network sa tax at labor laws, ang hindi pagsunod sa terms and conditions ng kanilang broadcast privilege, at isyu sa ownership ng network.

 

 

 

Read more...