outbrain

‘Twilight’ actor at kaniyang GF natagpuang patay sa Las Vegas

By Dona Dominguez-Cargullo May 20, 2020 - 11:32 AM SHARE(S):

Kapwa walang buhay ng matagpuan sa isang condominium unit sa Las Vegas ang “Twilight” actor at kaniyang girlfriend.

Ayon kay Clark County Coroner John Fudenberg wala silang nakikitang foul play sa pagkamatay nina Gregory Tyree Boyce, 30 anyos at GF niyang si Natalie Adenike Adepoju, 27 anyos.

Inaalam pa sa ngayon kung ano ang kanilang ikinasawi dahil inaantay pa ang toxicology test results sa dalawa.

Nakita ang walang buhay na katawan ng dalawa matapos na mayroong may-report sa mga otoridad na hinihinalang may patay sa loob ng unit.

Si Boyce ay gumanap bilang Tyler Crowley sa 2008 film na “Twilight”.

 

 

 

 

 

TAGS: Gregory Tyree Boyce, Inquirer News, Las Vegas, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Twilight, Gregory Tyree Boyce, Inquirer News, Las Vegas, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Twilight

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.