Pondo para COVID-19 well accounted for ayon kay Pangulong Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi winawaldas ng pamahalaan P275 bilyon na pondo na inilaaan para tugunan ang problema sa COVID-19.

Ayon sa pangulo, transparent at well accounted for ang naturang pondo.

Tiniyak pa ng pangulo na nakarating din mga benepisyaryo anv pondo hanggang sa huling sentimo.

Tinatayang 18 milyong pamilya ang nakatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 pinansyal na ayuda.

Gayunman hindi isinasantabi ng pangulo na may ilang lokal na opisyal ang nag-malverse sa pondo.

Pero ayon sa pangulo mananagaot sa batas ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian.

 

 

 

Read more...