Consumers na may sobrang naibayad sa Meralco tatanggap ng refund o rebate

By Dona Dominguez-Cargullo May 20, 2020 - 10:48 AM

Tiniyak ng Meralco na ibabalik nito sa consumers kung mayroong sobrang naibayad sa kanilang electricity bills.

Tatanggap ng rebate o refund ang mga consumer na may sobrang naibayad para sa kanilang bills matapos na hindi makapag-reading ang Meralco noong Marso at Abril.

Ayon kay ERC Chairperson Agnes Devanadera, ito ang siniguro sa kanila ng Meralco kasunod ng pagdagsa ng reklamo ng consumer sa malaki nilang bayarin.

Sinabi ni Devenadera na marami nang consumers ang nakapagbayad ng kanilang March at April Bill.

Una nang sinabi ng Meralco na dahil hindi sila nakapag-reading, ang March at April bill ay ibinase sa average consumption ng consumers sa nagdaang mga buwan.

 

 

TAGS: april bill, covid pandemic, COVID-19, department of health, erc, general community quarantine, Health, Inquirer News, March bill, Meralco, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, april bill, covid pandemic, COVID-19, department of health, erc, general community quarantine, Health, Inquirer News, March bill, Meralco, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.