Pangunguna sa SAP payout ng mga sundalo hindi magiging problema ayon sa AFP

Handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumugon sa iniatang na trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo para sa pamamahagi ng cash assistance.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines chief General Felimon Santos Jr. handa ang AFP na suportahan ang programang ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Katuwang ang Philippine National Police, sinabi ni Santos na magsisimula na silang magplano kasama ang DSWD para sa pagtatalaga ng manpower at seguridad.

Hindi rin aniya magkakaroon ng problema sa deployment lalo pa at nakakalat naman na talaga sa iba’t ibang panig bansa ang mga pulis at sundalo.

Magugunitang sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang ang mga sundalo at pulis na ang mangasiwa sa SAP payout.

 

 

 

Read more...