Hindi pagpasok sa trabaho ng empleyado dahil walang masakyan, hindi pwedeng gawing ‘grounds for dismissal’ – DOLE
Hindi pwedeng basta na lamang sibakin ang mga empleyado na hindi makapasok sa kanilang trabaho dahil sa wala silang masakyan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na hindi mapwersa ng pamahalaan ang mga kumpanya na mag-provide ng shuttle o sleeping quarters sa kanilang mga empleyado.
Pero kung ang isang kumpanya ay bigong makapag-provide ng shuttle service o sleeping quarters sa kanilang mga empleyado, hindi rin naman nila mapupwersa ang mga trabahador nilang pumasok sa trabaho.
Lalo aniyang hindi pwedeng gamiting “ground for dismissal” o “disciplinary action” kung ang empleyado ay hindi makapasok dahil walang masakyan.
Kung talaga aniyang gusto ng mga kumpanya na makabalik na sa operasyon ay dapat bigyan nila ng shuttle service ang mga empleyado nila, o kaya naman ay maglaan ng pwesto sa opisina na matutulugan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.