Mahigit 40 libo pang OFWs uuwi sa bansa ngayong Mayo at sa Hunyo
Mayroon pang mahigit 40,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang darating sa bansa ngayong buwan ng Mayo at Hunyo.
Sila ay kabilang sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo
Sinabi ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na hindi naman biglaan ang pagpapauwi sa mga OFW at unti-unti ang magiging pagdating ng mga OFW.
Ito ay para maiwasan din ang pagdami pa ng mga OFW sa mga quarantine facilities lalo na ngayong nagkakaron na ng congestion sa mga lugar kung saan nila tinatapos ang kanilang 14-day mandatory quarantine.
Ayon kay Bello, malaking bahagi ng P1 billion na dagdag na pondo para sa kanilang AKAP program ay naipadala na sa mga labor offices sa ibat ibang mga bansa.
Ito ay para pantulong sa mga OFW na stranded pa at hindi pa makauwi ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.