Bakuna kontra COVID-19 posibleng available na sa January 2021 ayon kay Pangulong Duterte
Posibleng sa Enero 2021 magkakaroon na ng available na bakuna panlaban sa COVID-19.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, isang pharmaceutical company ang nasa proseso na ng paglikha ng bakuna.
Umaasa ang pangulo na ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa ay makare-recover hanggang sa magkaroon na ng available na bakuna.
Ang tinutukoy ng pangulo ay ang bakuna na nililikha ng United States National Institute of Health at mga scientist sa biotechnological company na Moderna sa Cambridge, Massachusetts.
Nagsimula na ang Moderna sa pagsasagawa ng human trials ng COVID-19 vaccine.
Gayunman, hindi ganoon kabilis na mailalabas ito sa merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.