Lalaking nag-alok ng P200M na pabuya sa makapapatay kay Pangulong Duterte arestado sa Nueva Ecija

By Dona Dominguez-Cargullo May 20, 2020 - 06:45 AM

Arestado sa San Jose City, Nueva Ecija ang isang 19 anyos na lalaki dahil sa pag-post nito sa social media ng alok na P200 million sa sinumang makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong May 19, 2020 ay nag-post sa kaniyang Facebook si Fernando Dandan Jr., na magbibigay siya ng P200 million sa makapapatay sa pangulo, dalhin lang aniya ang ulo ng pangulo sa Sitio Dilain.

Nadakip ang suspek sa Sitio Dilain,Brgy. Abar 2nd sa nasabing lungsod.

Ayon kay Pol. Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City, NE Police, inihahanda na nila ang pagsasampa ng kasong Inciting to Sedition at paglabag sa RA No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 laban sa suspek.

 

 

 

TAGS: Fernando Dandan Jr, inciting to sedition, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, slcial media, Tagalog breaking news, tagalog news website, Fernando Dandan Jr, inciting to sedition, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, slcial media, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.