Ito ay matapos na iutos ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang pansamantalang pagpapasara sa mga mall sa lalawigan sa kabila ng pag-iral ng General Community Quarantine doon dahil sa kabiguan ng mga mall na magpatupad ng social distancing.
Ayon kay Remulla, simula alas 10:00 ng umaga ay magbubukas na ang mga mall.
Kailangang sundin ng mga mall owners at mamimili ang sumusunod na kondisyon:
– 10AM to 5PM lamang ang mall hours. Ang huling shopper ay papasok ng alas 5:00 ng hapon at dapat nakalabas na ng alas 6:00 ng gabi.
– Local customers lang ang papayagan sa mga mall, ibig sabihin ang mga residente sa bayan o lungsod kung nasaan ang mga mall lamang ang pwedeng magtungo doon at mamili.
– iiral ang no quarantine pass no entry
– Isang oras lang pwedeng mamalagi sa loob ng mall ang bawat mamimili
– dapat maayos na ma-manage ang mga taong naghihintay o nakapila sa labas ng mall
– ang mga safety marshal ay dapat magalang na kumausap sa mga customer ukol sa mga patakaran
– Walang time limit sa loob ng supermarket, pero dapat may customer limit
– Mayroon pa ring priority lane para sa frontliners
– Sarado ang mall entrance mula supermarket. Kung galing ng supermarket at may bibilhing iba sa mall, dapat pumila muli
Ayon kay Remulla kung maipatutupad ng maayos ang polisiya sa mga mall ay babawiin na niya ang umiiral na liquor ban sa lalawigan.