Pag-iral ng liquor ban lifted na sa San Juan

Binawi na ang pag-iral ng liquor ban sa lungsod ng San Juan.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora pinapayagan na muli ang pagbebenta, pagbili at pag-inom ng alcoholic beverages sa lungsod.

Pero dapat itong gawin sa loob lamang ng mga bahay.

Bawal pa rin aniya ang pag-inom ng nakalalasing na inumin sa mga pampublikong lugar.

Maliban dito, mahigpit din ang bilin ng lokal na pamahalaan na hindi dapat lumalabag sa social distancing kapag nag-iinuman.

 

 

Read more...