P1.40-P1.70 rollback sa gasolina, P.70 sa diesel, epektibo ngayong araw

By Jay Dones February 16, 2016 - 04:37 AM

 

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILNauna na ang Eastern Petroleum sa pagpapatupad ng oil price rollback para sa linggong ito.

Epektibo alas-sais ng gabi kagabi, halagang P1.40 ang ibinawas ng Eastern Petroleum sa kanilang gasolina samantalang P0.70 naman sa diesel.

Samantala, P0.90 sentimos naman ang ibinawas sa kanilang kerosene.

Sumunod naman kaninang hatinggabi ang Petron na kapareho rin ang halagang ibinawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Nakatakda namang mag-rollback ng kanilang mga presyo epektibo mamayang alas-6:00 ng umaga ang mga kumpanyang Pilipinas Shell, PTT at Phoenix Petroleum.

Samantala, naiba naman ang kumpanyang Flying V na nagbawas ng P1.70 sa presyo ng kanilang gasolina na naging epektibo kaninang hatinggabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.