Sa pangunguna ni Dr. Reghis Romero II (RII), inilunsad ang proyekto na nagtutulak sa pagtatanim ng mga gulay sa anumang available na lupa ng bawat bahay upang mapanatili ang agrikultura at mapangalagaan ang kalikasan.
Ayon pa sa PSPG, layunin ng proyekto na magkaroon ng maayos at malinis na suplay ng agricultural products sa pamamagitan ng paglaganap ng agricultural production sa mga urban at peri-urban areas na nakabase sa “Joy of Urban Farming” (JFP) program ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Samantala, sa pangunguna rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Quezon City Mayor’s Office, nagdaraos din ang grupo ng lectures at namamahagi ng seedlings ng iba’t ibang klase ng gulay na pwedeng itanim sa recycled containers.
Binubuo ang nasabing grupo ng 2,000 tauhan na nangangalaga sa urban farms sa kani-kanilang mga bahay.
Iba pa ito sa 21 pasilidad ng PSPG sa Malacañang grounds, Camp Crame, Batasang Pambansa, Intramuros at sa iba pang satellite offices sa Pilipinas.