30 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Maynila

By Angellic Jordan May 20, 2020 - 02:07 AM

Karagdagang 30 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Martes ng hapon (May 19), umakyat na sa 1,087 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 827 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 case sa Tondo 1 na may 243 cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 134 na kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, 979 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,259 ang suspected cases.

Umakyat naman sa 169 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila at nanatili sa 91 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.