Health workers na nagpositibo sa COVID-19, 2,315 na – DOH
Iniulat ng Department of Health (DOH) na nadagdagan ang bilang ng healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umakyat na sa 2,315 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang May 18.
Sa nasabing bilang, 1,306 ang aktibong kaso kung saan 333 ang asymptomatic, 968 ang mild, apat ang may severe condition at isa ang kritikal.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 671
– Nurse – 842
– Nursing Assistant – 144
– Medical Technologist – 84
– Radiologic Technologist – 42
Nasa 284 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Sinabi ni Vergeire na paunti na nang paunti ang bilang ng napapaulat na health workers na tinatamaan ng COVID-19.
Samantala, nadagdagan din ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit na umabot na sa 974.
Ani.Vergeire, nanatili naman sa 35 ang mga pumanaw bunsod ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.