Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Abuyog, Leyte Martes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 7 kilometers Southeast ng Abuyog bandang 7:08 ng gabi.
Isang kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at intensities sa mga kalapit-bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.