Batas para gawing regular ang pagsasagawa ng earthquake drill, isusulong ni Tolentino

By Dona Dominguez-Cargullo February 16, 2016 - 04:33 AM

 

Francis TolentinoKinakailangang gawing national concern ang paghahanda para sa pagtama ng lindol sa bansa.

Ito ay ayon kay dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman at senatoriable Francis Tolentino. Ani Tolentino, wala pa ring pasilidad na maaring makapag-detect kung kailan tatama ang malakas na lindol, kaya mahalagang bawat isa ay handa dito.

Sinabi ni Tolentino na dapat magkaroon ng batas na mag-oobliga sa pagsasagawa ng regular na earthquake drill sa lahat ng sangay ng pamahalaan, maging sa mga pribadong kumpanya.

Sa nasabing batas aniya, dapat isaad na kinakailangang nagdaraos ng dalawang beses sa isang taon na earthquake drill.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Tolentino na maging ang mga bata ay magiging handa sa pagtama ng lindol.

“Dapat magkaroon ng batas para sa pagsasagawa ng earthquake drill, dapat twice a year ang pagsasagawa ng exercises,” paliwanag pa ni Tolentino sa panayam ng Radyo Inquirer.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.