Pasig LGU, may online finder para sa Supplemental SAP sa lungsod

Inilunsad ng Pasig City government ang online finder para sa listahan ng mga benepisyaryo ng Pasig Supplemental Social Amelioration Program (SAP).

Ayon sa Pasig City Public Information Office, maaaring pumunta ang mga residente ng lungsod sa sap-pasig.com upang malaman kung kabilang sa listahan ng benepisyo.

Maaari naman anilang makapagparehistro ang mga wala sa listahan para maisama sa Pasig Supplemental SAP.

Ang nasabing online platform ang maaaring gamitin ng mga residente para makapagpalista kung wala sa database.

β€œAng lahat ng tumanggap na SAP mula sa National Government ay hindi na isasama sa listahan ng Pasig Supplemental SAP. Tandaan na ang pagpapalista rito ay para lamang sa mga PAMILYA na kasalukuyang nasa Pasig, at hindi pa nakatanggap ng anumang SAP mula sa National Government,” paalala pa ng Pasig City PIO.

Read more...