Pasig LGU, may online finder para sa Supplemental SAP sa lungsod

By Angellic Jordan May 19, 2020 - 06:23 PM

Inilunsad ng Pasig City government ang online finder para sa listahan ng mga benepisyaryo ng Pasig Supplemental Social Amelioration Program (SAP).

Ayon sa Pasig City Public Information Office, maaaring pumunta ang mga residente ng lungsod sa sap-pasig.com upang malaman kung kabilang sa listahan ng benepisyo.

Maaari naman anilang makapagparehistro ang mga wala sa listahan para maisama sa Pasig Supplemental SAP.

Ang nasabing online platform ang maaaring gamitin ng mga residente para makapagpalista kung wala sa database.

“Ang lahat ng tumanggap na SAP mula sa National Government ay hindi na isasama sa listahan ng Pasig Supplemental SAP. Tandaan na ang pagpapalista rito ay para lamang sa mga PAMILYA na kasalukuyang nasa Pasig, at hindi pa nakatanggap ng anumang SAP mula sa National Government,” paalala pa ng Pasig City PIO.

TAGS: Inquirer News, online finder, Pasig City PIO, Pasig Supplemental SAP, Radyo Inquirer news, Inquirer News, online finder, Pasig City PIO, Pasig Supplemental SAP, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.