Ilang lalawigan sa Luzon, makakaranas ng pag-ulan
Makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.
Batay sa thunderstorm advisory sa 5:27 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Bulacan at Laguna.
Maliban dito, mararanasan din ang nasabing lagay ng panahon sa Bataan partikular sa Balanga, Abucay, Limay at Mariveles; Zambales sa bahagi ng Castillejos, Botolan at San Marcelino; Mabalacat sa Pampanga; Bamban sa Tarlac; Alabat sa Quezon; at Tagaytay sa Cavite.
Sinabi ng weather bureau na mararamdaman ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Nagbabala ang PAGASA sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.