BREAKING: Panukala upang bigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN, binawi ni Speaker Cayetano
Binawi na ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang kanyang panukala upang bigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Cayetano na ginawa niya ito upang magkaroon ng malalimang pagdinig sa prangkisa ng giant network.
Napagpasyahan aniya niya ito matapos ang konsultasyon sa iba pang lider ng Kamara.
Dahil dito, tututok na lamang ang Kamara sa pagdinig sa 25 taong prangkisa ng network.
Sabi ni Cayetano, lahat ng gustong magsalita sa isasagawang pagdinig ng Kamara ay bibigyan nila ng pagkakataon.
Hindi aniya niya hahayaan na maging moro-moro ang pagdinig at titiyakin na walang saling-pusa dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.