21 pang Filipino sa abroad ang gumaling sa COVID-19 – DFA
Nasa 21 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 19, umakyat na sa 849 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.
Nasa 2,431 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,302 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Samantala, 280 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 736 na kaso.
Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 705 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 543 naman ang kaso sa Americas at 447 sa Asia Pacific Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.