ABS-CBN posibleng magpatupad na retrenchment sa Agosto kung hindi pa rin mabibigyan ng prangkisa

Posibleng magpatupad na ng retrenchment sa buwan ng Agosto ang ABS-CBN sa kanilang mga empleyado kapag hindi pa rin nakakuha ng prangkisa.

Sinabi ito ni ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak sa pagdinig ng Senate committee on public services.

Ayon kay Katigbak mula nang mawala sila sa ere noong May 5, siniguro nila sa kanilang mga empleuado na hindi sila mawawalan ng trabaho sa loob ng susunod na tatlong buwan.

Sa ngayon ay malaking halaga na aniya ang nawala sa network at kung hindi sila makababalik sa ere maaring sa Agosto ay mapilitan na silang magpatupad ng retrenchment.

Dinidinig sa senado ang mga panukala na magpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN.

Mayroon ding isang panukala na naglalayong bigyan ito ng temporary franchise.

 

 

 

 

Read more...