Ayon Herrera, karamihan ng mga private schools ay maliliit lamang at nangangailangan din ng financial aid para sa muling pagbubukas ng klase.
Kailangan anyang isama sa COVID-19 cash aid ang mga private school teachers at mga non-teaching staff mula sa mga pribadong paaralan na karaniwan ay mga kindergartens at missionary schools ng mga lokal na simbahan at mosque.
Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang paglobo ng unemployment at makakatulong ang pamahalaan na mapanatili sa kanilang mga trabaho ang mga guro mula sa private schools.
Aabot naman sa 500,000 na mga guro at staff ang kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa mga probadong paaralan sa buong bansa.