Mga private school teachers at non-teaching staff pinapasaklolohan sa gobyerno

By Erwin Aguilon May 19, 2020 - 12:00 PM

Hiniling ni Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera sa pamahalaan na palawigin ang tulong pinansyal para sa mga guro at non-teaching staff na nasa pribadong paaralan.

Ayon Herrera, karamihan ng mga private schools ay maliliit lamang at nangangailangan din ng financial aid para sa muling pagbubukas ng klase.

Kailangan anyang isama sa COVID-19 cash aid ang mga private school teachers at mga non-teaching staff mula sa mga pribadong paaralan na karaniwan ay mga kindergartens at missionary schools ng mga lokal na simbahan at mosque.

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang paglobo ng unemployment at makakatulong ang pamahalaan na mapanatili sa kanilang mga trabaho ang mga guro mula sa private schools.

Aabot naman sa 500,000 na mga guro at staff ang kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa mga probadong paaralan sa buong bansa.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, non teaching staff, private school teachers, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, non teaching staff, private school teachers, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.