Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na makararanas ng pag-ulan – PAGASA
Magpapatuloy ang nararanasang pag-ulan sa mga kalapit na lalawigan ng Metro Manila sa susunod na mga oras.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 11:19 ng umaga moderate hanggang heavy na pag-ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, at Rizal.
Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Paranaque, Pasay, Taguig, Muntinlupa at Las PInas; Olongapo sa Zamblaes; Dinalupihan, Hermosa at Orani sa Bataan; Floridablanca at Lubao sa Pampanga; Bacoor, Imus, General Trias at Dasmarinas sa Cavite; Burdeos at Mauban sa Quezon; at sa Rosario at Taysan sa Batangas.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.