Ilang bahagi ng Las Pinas, Bacoor at Imus nakararanas ng water service interruption

Walang suplay ng tubig ngayon sa ilang bahagi ng Las Pinas City, Bacoor at Imus sa Cavite.

Sa abiso ng Maynilad, nakaranas ng power interruption sa kanilang Putatan Water Treatment Plant 2.

Dahil dito may mga lugar sa Las Pinas, Bacoor at Imus na nakararanas ng low pressure hanggang sa kawalan na ng water supply.

Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar:

LAS PINAS CITY
– Almanza Uno
– CAA
– Manuyo Dos
– Pamplona Uno hanggang Tres
– Pilar
– Pulanglupa Dos
– Talon Uno hanggang Singko

BACOOR CITY
– Molino I haggang IV
– Molino VI hanggang VII
– Queens Row Central
– Queens Row East
– Queens Row West
– San Nicolas III

IMUS CITY
– Pasong Buaya II

Ayon sa Maynilad inaasahang alas 5:00 ng hapon maibabalik ang suplay ng tubig.

 

 

 

 

Read more...