Zambales, Batangas at Sarangani, nilindol kagabi

By Jay Dones February 16, 2016 - 04:32 AM

Mula sa phivolcs

Magkakasunod na tinamaan ng lindol ang mga lalawigan ng Zambales, Batangas at Sarangani province kagabi.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, unang naganap ang magnitude 3.1 na lindol dakong alas 10:09 ng gabi may 11 kilometro ang layo sa timog na bahagi ng Iba, Zambales.

Sumunod namang yumanig ang magnitude 3.2 na may 20 kilometro ang layo sa kanlurang bahagi ng Nasugbu, Batangas dakong alas 11:02 ng gabi.

Dakong alas 11:14 pm, naitala ang magnitude 3.6 na lindol sa layong 13 kilometro sa silangang bahagi ng Malapatan, Sarangani province sa Mindanao.

Naitala ang intensity 1 sa General Santos City.

Wala namang naitalang pinsala ang phivolcs sa tatlong insidente ng lindol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.