Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras – PAGASA

Makararanas ng pag-ulan sa mga kalapit na lalawigan ng Metro Manila sa susunod na mga oras.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA, moderate hanggang heavy na pag-ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa Zambales, Laguna, Batangas, at Quezon sa susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Makati, Pasay, Paranaque at Taguig; mga bayan ng Balanga, Abucay at Limay sa Bataan at bayan ng Silang sa Cavite.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o landslides.

 

 

 

 

Read more...