Mahihirap na pamilya sa GCQ areas dapat pa ring tumanggap ng 2nd tranche ng SAP

By Dona Dominguez-Cargullo May 19, 2020 - 10:36 AM

Dapat pa ring makatanggap ng second tranche ng tulong pinansyal sa ilalim ng social amelioration program ang mga mahihirap na pamilya sa mga lugar na nasa ilalim na lang ng general community quarantine.

Pahayag ito ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Ayon kay Recto sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act malinaw na nakasaad na dapat bigyan ng cash assistance ang nasa 18 milyong pamilya sa loob ng dalawang magkasunod na buwan.

Hindi aniya nakasaad sa batas na kapag ang lugar ay na-downgrade na sa GCQ ay wala nang second tranche ng ayuda.

Naniniwala din si Recto na dapat palawigin pa ang SAP para maisama ang iba pang naghihirap na pamilya.

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, ralph recto, sap, second tranche, Senate, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, ralph recto, sap, second tranche, Senate, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.