OWWA humingi ng pang-unawa sa mga OFW sa nabibinbin na COVID-19 test results

Humingi ng pang-unawa sa mga Overseas Filipino Workers ang Overseas Worker Welfare Administration o OWWA sa pagkakabinbin ng resulta ng kanilang COVID-19 test.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa dami ng mga OFW na nasa quarantine facilities talagang natatagalan ang paglabas ng resulta ng test.

Pakiusap ni Cacdac, huwag umalis sa quarantine facility hangga’t wala ang resulta ng kanilang test.

By batch aniya ang release ng resulta.

Marami nang OFWs ang nagrereklamo dahil ang iba sa kanila lumagpas na ng 14 days sa quarantine facilities pero hindi pa makauwi sa kanilang pamilya dahil wala pa ang resulta ng COVID-19 test.

 

 

Read more...