outbrain

WATCH: Kim Chiu naka-move on na sa mga atake sa social media; inilunsad ang kaniyang bagong single na ‘Bawal Lumabas’

By Dona Dominguez-Cargullo May 19, 2020 - 09:59 AM SHARE(S):

Sa nagdaang mga linggo ay huminto sa social media ang aktres na si Kim Chiu.

Aminado ang aktres na nagdulot ng matindi sa kaniyang emosyon ang mga batikos sa social media laban sa kaniya.

“Nalungkot ako talaga, kahit naman sino ilagay niyo sarili niyo sa posisyon ko, nung time na iyon mabigat talaga siya, hindi ko inexpect na kayang magsalita ng mga tao ng ganon,” ayon kay Kim Chiu.

Ilang araw din daw niyang hindi hinawakan ang kaniyang cellphone.

Pero ayon kay Kim, past is past at gusto na niyang mag-move on.

Nagbago ang pananaw ni Kim dahil sa ‘open letter’ ng isang taong hindi naman niya kilala na humimok sa kaniyang huwag magself pitty at tignan ang positibong side ng pangyayari.

Pinahanap pa ni Kim ang nasabing tao na nagpadala ng liham para personal niya itong mapasalamatan.

Nakipag-collaborate din si Kim kay DJ Squammy para gawing single na ang ‘Bawal Lumabas’ at inilunsad na niya ang full version nito na may music video pa sa kaniyang Youtube channel.

 

 

 

 

 

TAGS: Bawal Lumabas, Inquirer News, Kim Chiu, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bawal Lumabas, Inquirer News, Kim Chiu, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.