9 na bayan sa Eastern Samar isinailalim sa state of calamity

By Dona Dominguez-Cargullo May 19, 2020 - 09:35 AM

Siyam na bayan sa Eastern Samar ang isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsala ng Typhoon “Ambo.”

Inaprubahan ng Provincial Board ang rekomendasyon ni Eastern Samar Gov. Ben Evardone na magdeklara ng state of calamity sa mga bayan ng Arteche, San Policarpo, Jipapad, Oras, Maslog, Dolores, Can-avid, Taft at Sulat.

Base sa inisyal na assessment ay matindi ang pinsala na naidulot ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura.

Tinatayang 34,235 na pamilya mula sa siyam na bayan ang nawalan ng tirahan.

Sinabi ni Evardone na sumulat na sila sa National Housing Authority (NHA) para mapagkalooban sila ng housing materials, gayundin sa sa Department of Social Welfare and Development at sa Department of Labor and Employment para mabigyan ng cash and food-for-work ang mga residente.

Hiniling din ng provincial government sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa Jipapad Bridge.

 

 

 

 

TAGS: aftermath, eastern samar, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ambo, aftermath, eastern samar, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ambo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.