Naglatag din ng iba pang kondisyon si Remulla para sa muling pagbubukas ng mga mall sa lalawigan gaya ng paglimita sa bilang ng mga nasa loob at lilimitahan lang ang pagbili ng isang oras dahil may ibibigay na time card sa mga papasok.
Ngunit aniya sa mga supermarket at grocery stores ang konsensya na ang time limit dahil dapat aniya ay isipin din ng iba ang magbabad sa loob para makapasok naman ang ibang mamimili.
May mga malls din na hindi maaring puntahan ng mga taga-ibang bayan, maliban na lang sa mga bayan na walang mall.
Magtatakda na rin ng isang pasukan at isang labasan para maiwasan ang pagsasalubong at ang mga drug stores at hardwares ay maaring lang magpapasok sa hiwalay nilang mga pintuan.
Diin ni Remulla hindi na niya iintindihin kung mamasamain ng kanyang mga kababayan ang mga itinakdang patakaran dahil aniya ang hangad lang niya ay maiwas ang pagkalat ng COVID 19 sa Cavite.
Binuksan ang mga malls sa lalawigan noong Sabado, unang araw ng pag-iral ng general community quarantine sa Cavite, ngunit dumagsa ang mga tao at ito ang ikinainis ng gobernador kaya’t muli niyang ipinasara ang mga malls.