Pope John Paull II, nagkaroon ng ‘intense friendship’ sa isang babae-BBC

By Inquirer.net, Jay Dones February 16, 2016 - 04:20 AM

 

Mula sa inquirer.net

Nagkaroon ng matuturing na ‘close relationship’ si Pope John Paul II sa isang babaeng may-asawa na tumagal ng halos 30 taon.

Ito ang nilalaman ng mga liham ng Santo Papa na magiging tema ng dokomentrayong ilalabas ng BBC.

Bagaman hindi tinutukoy sa dokumentaryo na nalabag ni Pope John Paul ang kanyang ‘vow of celibacy’, may mga bahagi ng liham ang makapagsasabing may matinding nararamdaman ito sa babae na nakilalang si Anna-Teresa Tymieniecka, isang Polish-born philosopher at writer.

Ayon kay Edward Stourton, senior journalist ng BBC na bumuo ng documentary, nasa 350 sulat ang kanilang natagpuan sa National Library ng Poland, na isinulat ng Santo Papa simula 1973 hanggang 2005, o ilang buwan bago ito namatay.

Samantala, si Tymieniecka naman na siyang babaeng sinusulatan ni Pope John Paul ay namatay noong 2014.

Nagawa pang mag-camping at mag-skiing ng dalawa, batay sa mga liham.

Isang liham aniya na isinulat noong September 1976, tinawag pa ni Pope John Paul ang ginang bilang ‘gift from God.”

Si Carol Wojtyla o Pope John Paul II ay naging Santo Papa sa pagitan taong 1978 hanggang 2005.

Idineklara itong Santo ng Simbahang Katolika sa kanyang pagpanaw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.