Ginawa ng Pinoy Aksyon for Good governance and the Environment (Pinoy Aksyon) ang apela matapos mabatid sa mga lumabas na records na nagkamal ng milyones ang construction firm na pag-aari ni Clarita Avila, ang Octant builders mula sa mga proyekto nito sa NCMH.
Napag-alaman ng grupo na si Avila pala ang isa sa mga incorporators ng Octant Builders na ang tanggapan ay matatagpuan sa 581 Wack Wack Road sa Barangay Greenhills East, Mandaluyong City.
Noong 2014, ang construction firm ang siyang nanalong bidder sa serye ng construction projects Kabilang na ang installation ng solar street lights sa NCMH complex na nagkakahalaga ng P14,972,046.67.
Batay sa records, ang halagang iyon ay bahagi lamanng ng kabuuang kantidad na nakolekta ng Octant Builders collected mula sa NCMH.
Dahil dito, si Avila ay nahaharap sa graft and malversation case sa at Office of the Ombudsman (OMB).
Ayon sa insiders, ito marahil ang dahilan kung bakit gumawa NG kontrobersiya si Avila kamakailan para mailihis ang atensiyon ng publiko.
Sa kanilang press statement, hiniling ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) sa Ombudsman na madaliin na ang pagpapasya sa mga asunto laban kay Avila. Hiniling din nila sa DOH na resolbahin na ang administrative cases laban sa dating NCMH Chief administrative Officer.
“We appeal to the Ombudsman and the DOH to resolve the cases vs Avila. At this time of Covid 19 pandemic, the government needs to show the people the strong force of the rule of law, if only to assuage them government is there to serve and protect them,” Sabi ni Em Ross Guangco, spokesperson ng Pinoy Aksyon.
Matatandaan, Abril nitong taon ay ipinag-utos ng Department of Health (DOH) ang paglipat kay Avila sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Las Piñas City. Ito rin ang panahon kung saan sinabi ni Avila na kaya siya inilipat ay dahil sa kanyang Facebook post na tumutuligsa sa NCMH administration. Aniya, kahit walang Personal Protective Equipment (PPE) ay pinapapasok ang mga health worker ng NCMH sa gitna COVID-19 crisis.
“Others are afraid to report because they don’t have PPE. We lack the logistics. We lack the supplies to protect them. Parang pupunta sila sa giyera na wala naman silang baril (It’s as if they’re going to war sans guns).”
Nabatid na ang pahayag na iyon ni Avila ay pawang kasinungalingan dahil ang totoo ay may sapat na suplay ng PPE ang NCMH.
Gayunman, ang insidente na iyon ay nagbunsod para mailantad ang samut-saring kaso na isinampa laban kay Avila.
Noong 2014, ang NCMH ay may ibat-ibang construction projects na kinakailangang gawin sa loob ng complex. Ang Octant Builders ang pinangalanang winning bidder ng kontrata na may approved budget na P189,700,000. Kabilang sa mga proyektong ito ay ang solar street lights project. Nabatid na sa una ay mababa ang isinusumite na bid ng Octant Builders però kalaunan ay imo-modify nito ang ilang partikular n elemento ng proyekto para madagdagan ang halaga nito.
Batay din sa record, hindi bababa sa pitung kaso ang kinakaharap ngayon ni Avila, maliban pa ito sa graft at malversation, siya ay inasunto rin ng nepotism, serious dishonesty, at falsification of documents. Ang Ombudsman ang humahawak sa limang kaso habang ang DOH Legal Service ang may hawak sa dalawang iba pa.
Ang pananatili nito sa NCMH ay lantaran umanong paglabag sa utos ng DOH at rules and regulations na itinatakda ng Civil Service Commission (CSC).