439 distressed OFWs mula Saudi Arabia at Myanmar dumating na sa bansa
By Dona Dominguez-Cargullo May 19, 2020 - 06:57 AM
Aabot sa 430 na distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dumating pa sa bansa kahapon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing bilang, 345 ang galing ng Saudi Arabia habang 114 naman ang galing ng Myanmar.
Lulan sila ng chartered flights at ang pamahalaan ang sumagot ng kanilang pamasahe pauwi ng bansa gamit ang Assistance-to-Nationals Fund.
Sasailalim sa mandatory 14 days na quarantine ang mga bagong dating na Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.