Ayon sa ERC, pinadalhan na nito ng liham ang Meralco at inaatasan na magpaliwanag at magpakita ng pruweba o basehan nito sa ginawang pag-compute sa consumption ng mga consumer sa panahong mayroong enhanced community quarantine na umiiral.
Ayon sa ERC inulan sila ng reklamo mula sa mga consumer dahil sa mataas na bill para sa mga buwan ng Marso, Abril at pati na Mayo.
Limang araw lang ang ibinigay ng ERC sa Meralco para magsumite ng paliwanag at mga dokumento.
Sa pamamagitan ng mga isusumiteng datos, sinabi ng ERC na matutukoy nila kung tama ang mga ginamit na basehan ng Meralco para sa ginawang pag-compute sa bayarin ng consumers.